Saturday, March 12, 2016

10 klase ng tao sa Tropa

Tropa, sila ang laging mong kasama sa sakit at ginhawa, kalungkutan o saya. Pero alam niyo pang may iba't ibang klase ng tropa. Well, eto yung pinaka-common (base sakin) na klase ng tropa na lagi mong makikita sa magtotropang pinoy:

1) King/Queen-goloid
            - Sila ang nangunguna sa mga trip na pangkalokohan. Mas sabog pa sila kesa sa ibang tropa na pinag-samasama, either may pinagtatawanan sila o sila mismo ang pinagtatawanan. Walang masyadong hiya tong mga to, basta mapasaya kayo willing silang magpaka-tanga sa harap ng maraming tao. Basta't malakas ang trip at laging nangingibabaw ang pagka-sabog nila kapag nagkasama na ang lahat. Asahan mo na King/Queen-Goloid ang taong yun.

2) Kantatero/Kantatera
            - May karaoke man o wala, asahan mo may ganito sa tropa ninyo. Sila ang laging una sa paghawak ng mikropono, may tono man o wala bibirit ang mga to hanggang sa maubos na ang kantang pwedeng piliin sa Videoke machine. Mostly makikita sa mga arcade na may karaoke room o mga selebrasyon na may nirerentang videoke machine.  Kung wala kang kilalang ganito, baka ikaw ang kantatero/kantatera ng grupo niyo.

3) "Lulubog, Lilitaw"
            -
Sila ang mga tropa mong kasama mo ngayon, bukas wala na pero one week later magpaparamdam uli kase either namiss kayo o wala lang talagang mapuntahang iba. Meron din namang pag may kailangan sayo, todo kapit at makaawa kapag natapos na ang pinapagawa kala mo sinong artista di ka manlang kawayan pabalik. HAHAHA

4) So Fabulous!
            -
Ang tropang lagi mong lalapitan o tatanungin kung "bagay ba o hindi" ang bibilhin mong damit/accessories. Sila ang gagala ang sa mall todo burloloy, hikaw, make-up etc. pero kala mo artistang magmo-mall show sa sobrang daing taong nakatingin sa kanya pag nadaan. Pero sa totoo, kailangan mo siya lagi lalo na kung di ka marunong manamit ng desente o wala kang alam sa fasion styles this season. (like me TEEHEE)

5) RK to the nth power
            -
Eto ang mga taong hindi pa nila nilalabas wallet nila alam mo na agad na mataba/malaman ang wallet nila (mostly ng 500/1k bills). Masarap kasama lalo na pag may gala. Pero di lahat ng RK ay pare-parehas, eto ang dalawang klase ng RK:
  1. Mabait - sila ang maaasahan mo sa paglibre ng pagkain, damit, etc. Lagi mong maaasahan sa mga gala kasama ang ibang tropa, pero wag abusuhin sila kundi magiging;
  2. Swapang - pakitang tao lang sa gala. Pakitang bagong gadgets, damit, cap, sapatos, kwintas, relo atbp. Wala lang, trip netong kups na to na painggitin ka di mo alam kung ipagtatanggol mo sa snatcher o makikipagsabwatan ka sa snatcher.
6) "Konyo- hear me, Antuking tuyo!"
             -
todo english si dong/day, di naman bagay sa kanya kaya either hayaan mo nalang siya o aasarin mo ang accent niyang pang-kalabaw. Ok naman silang kasama lalo na kung may mga FOREIGNERS na nadaan lagi sa harap mo at kailangan mo ng pampagaan ng loob/ pampatawa ng araw. Pero nakakasawa na rin minsan sila, maiirita ka nalang inaraw-araw na niya ang nung una purong kalokohan lang.

7) Mr./Ms. Mapanlait
             -
Lait todamax ka sa kanya, mula ulo mukhang paa....este hanggang paa wala kang kawala sa pag-rerealtalk nila. Di pwedeng magkaroon ng 3 o higit pang mapanlait sa grupo kundi gyera na ituuu. Depende nalang sa lalaitin nila kung didibdibin nila ang panlalait o makikinig at matututo sa "words of wisdom" nila. Bawal madaling maasar, baka pumutok ang bulkan at makapatay ng ipis.xD Pish HAHAHA

8) Kilig 2 Pasa
             -
Sila ang kapag kinikilig nagiging labasan ka ng kilig nila, by suntok, sipa, kurot o kagat. Lugi ka kapag bespren ka ng mga to, ikaw ang laging hahanapin nila para ilabas ang kilig nila sa crush nilang wala pang anesthesia sobra na sa kamanhidan. Tumakbo ka na kapag nakita na nila crush nila, bugbog sarado ka pag-uwi niyan. HAHAHA.

9) Bogli / Green-minded
             -
Kapag usapang kabastusan, gising na gising tanungin mo kung anong formula para sa sasagutin niyo sa Trigo kulang nalang tulugan ka niya. Madaming alam tong mga to sa positions sa kama, saan yung _____, paano yung _____ atbp. Pero pag tinanong mo kung may napag-praktisan ng mga pinagsasasabi niya sasabihin niya "Virgin pa ako eh". WTF?! hahaha

10) TANGA 
             - Self-explanatory

Kung may iba pang klase ng tropa meron kayo at balak niyong ipaalam ang pagkatao nila sa buong mundo please message me at:

Facebook: James Van Axl Rodolfo
Twitter: @BeastModeNaAko

Thanks <3