College Courses and what I think about them
Fine Arts - Ang nararapat na course para sa mga Artistically-Gifted kids. Nothing says talent more than ARTS. Kahit siguro pag dudumi nila ay matatawag na din na ART sa kanila. But no disrespect intended, sila talaga ang kaiinggitan mo pagdating sa pag Doodle Art, Caricature etc. Magpaturo ka na habang di pa sila baon sa projects and other artistic shit.
Engineering - For those "Mathematically/Measurematically Gifted peeps". Yung magagaling sa math of measurements at kahit sabihin mong tatansyahin nalang ang height, width or thickness ng isang floor ng building na gagawin nila, hindi talaga sila papayag doon... Babatukan ka pa siguro.xD HAHAHAHA
Nursing - Ang mga anak ng mayayamang mahilig tumulong sa KAPWA. Either talagang goal nilang i-pursue itong course na to since fetus days or talagang walang magawa lang parents nila sa perang nakakalat sa sahig nila at sa golden bathtub nila na ang alagang chihuahua lang nila ang gumagamit.
Education - Teacher ang trip netong mga taong ito. Total respect ako sa kanila kasi pinagdaanan nila ang mga school lessons since nursery until highschool then may PERSEVERANCE parin silang pag-aralan ang mga ito at ituro naman sa another set ng youth for a greater future ahead. Good Job and Good Luck to all Education peeps.
Culinary Arts/ HRM - Sila ang gifted sa pag-luluto ng mga masasarap na putahe or talagang tinulak ng parent na i-pursue to para mapagluto nalang ang sarili at di na magnakaw sa ref nila tuwing hatinggabi. But hindi lang pagluluto ang kaya nila pati pag... *ahem* MANAGE ng Hotel ay kaya nila. Well waddaya know..xD May pagkain na sila kaya pa nila mag-ayos ng sarili nilang kwarto.xD I'll take one HRM student for my room please.
Mass Comm. - Dito napupunta ang mga estudyanteng laging feel na nasa palengke sila... yung mge feeling nila na dapat sila lang ang pinapakinggan, most talkative, ang mga taong karapat dapat na may tape sa bibig. Pero without this course wala tayong mga Newscaster, Journalist atbp.
Mass Comm. - Dito napupunta ang mga estudyanteng laging feel na nasa palengke sila... yung mge feeling nila na dapat sila lang ang pinapakinggan, most talkative, ang mga taong karapat dapat na may tape sa bibig. Pero without this course wala tayong mga Newscaster, Journalist atbp.
Accounting - The people who need the most salutes. Sila ang nagtitiis ng ilang years ng computing ang *shrivels* MATH para lang mapasaya ang parents nilang uber ASIAN sa galing sa pagbilang ng utang ng mga mang-iinum sa kanto with every single cent. Salutes for every Accounting student that can read this.
And finally....
Computer Science/ IT or any course that has something to do with COMPUTERS - Ditong course ako natulak ng parents ko. Kasi magiging In-Demand na daw ito in a couple of years because of K-12. Eto ang pinaka-hardcore sa lahat ng courses dahil di lang siya nag-iistop sa simpleng programming lang it has side-dishes like Digital Arts, Game Dev. Web Designing, Graphic Designing, Animators etc. plus Java, C++, C#, FORTRAN at kung ano-ano pang language na na-iintindihan lang ng machine.
*Mayhaps may nakalimutan akong i-add na course or wrong grammar of some sort na tipong super focused people lang nakakakita pakisabi nalang, Draft palang naman to eh :)*