Tuesday, December 22, 2015

Lasenggero 101

Simula nang ma-imbento ang alak marami nang tao ang nalalasing, yung iba para makalimutan ang problema at yung iba dahil bago lang sila sa pag-iinom. Pero nevertheless, iisa-isahin ko ang mga tipo ng lasinggero na nakasama ko na/ nakita ko na sa buhay ko. Here are some:

1) The War Freak
       
          - sila yung tipong umiinom dahil may kaaway sa labas kaya dinadaan niya sa pagsipa ng pusa, aso, daga at ipis ang galit na nanunuot sa loob niya. Most na iniinom nila ay hard drinks such as Gin, Empi etc. Pag may nakadaanan ka na ganito ay layuan agad at baka masama ka sa masisipa at masusuntok neto.

2) Tira-Pulutan Gang

          - isa sa mga nakaka-irita na makasama sa inuman. Tira nga ng tira sa pulutan pero di naman umiinom masyado. Pag-feeling mo na may ganito sa inuman niyo, ilayo agad sa kanila ang pulutan at bago pa maubos ang alak ay ubos na ang pulutan niyo. Kung may mayaman naman si kainuman, pabilhan niyo ng makakain sila para manahimik buong inum-trip.

3) Biritero/Biritera

         - meron man o walang karaoke sa inuman, maghahanap ng paglalabasan ng angelic(/or not) voice tong mga to. Tatlo lang ang options mo sa kanila: Sabayan, Patahimikin or Gawin niyong soundtrip. So, in a way good na may bad silang kasama.

4) Lover

        - lahat ng makita niya sa inuman ay love niya, mapa-girl, boy, bakla, tomboy, butiki, baboy... pwede pa nga shower head eh basta't lasing na lasing siya nothing is impossible. Kakalimutan niya lahat ng away niyo habang lasing pa siya.

5) Dude, where's my car?

       - Wala siyang naaalala sa nangyari kahapon, basta ang alam niya uminom lang siya at paggising niya nasa bathtub na siya na briefs nalang ang suot at may nakadrawing na etits sa noo. Sila yung masarap pagtripan kapag napatumba niyo na pero pangit kasama pag burara at ikaw ang naging suspect sa pagkawala ng Iphone 6+, Vaio Lappy, 10k at fave. T-shirt niya.

6) 1 Shot = 1 Prayer

      - pinakamadaling matumba sa inuman, it doesn't matter kung ilang shots or ilang percent ang alcohol content ng alak basta madali silang malasing at antukin. Most sa kanila ay makikita mo nakahiga nalang sa kalye natutulog ng mahimbing kasi di na nakayanan umabot ng bahay or nakapikit na si kina-uupuan. Madalas pagtripan din ng ibang kainuman. *ehem* PENTELPEN *ehem*

7) Hokage

     - pinaka-ayaw na makakainuman mo. Sila yung laging may dalang betsin para may pampahilo sa mga chix na kainuman niya sabay sabi ng "Tara, higa ka muna sa kama.. para mawala hilo mo" sabay attack sa pribadong parte ni ate/kuya (yes.... nahohokage din po kaming mga lalaki). Kung may kilala kayong ganito at may kasama kayong mga babae, please lang bantayan niyo lagi ang galaw niya at baka makascore ng wala sa oras.

8) Hagard lvl9999

     - heto yung mga manginginom na sa simula napaka-ayos pa ng pananamit. Bagong pulbo, pabango, suklay etc. Pero once na maka-pitong shot na ay maghuhubad na ng damit sabay sayaw sa gitna ng kalsada (walang pake kung may makakilala sa kanya o hindi) 

Saturday, June 6, 2015

Iba't Ibang kabataan sa panahon NGAYON

Sabi ng mga nakakatanda, "Ang kabataan ang Pag-asa ng bayan" at "Ang Bayan ang bubuhay sa kabataan". Dati rati'y i-ilang klase lang ng kabataan ang naroon, ngunit ngayon ay dumami ito ng todo. Eto ang iba doon:


1) Pabebe - sila ang mga klase ng tao na lahat ng galaw ay may arte o pagkabebe. Simpleng gawain ay may halong arte kaya nakakasuya sa paningin. Ano kaya ang pumasok sa kokote ng mga ganito at biglang umarte, di naman sila siguro ganito nung ikinabubuntis pa sila. Di kaya dahil sa pag inom ng muriatic tas pagtransform ito nakuha? Nakakahawa kaya to?



2) Livin' High - mga batang mahilig mag post ng 420 kahit ni isang beses ay di pa humihithit. Di nga humihithit, sabog naman ang mga pagmumukha. Suking-suki sila sa mga damit na may marijuana, 420, at jejecaps na nakapatong lang sa mga malalambot na ulo nila.


3) Breezy mehn -  mga totoy at nene na walang magawa sa mga kabahayan nila kaya naisipang sumali sa mga tropang tambay sa kanto at kung magpicture ay may kakaibang posing na sila-sila lang ang nakaka-intindi. Kapatid ng mga "Livin' High" sila, pag may ganito sisiguraduhin mo may Breezy sa kabilang side.



4) Feeling Kano - todo push sa pag-English, wrong grammar at wrong spelling naman. Ikaw na ang may pusong tumulong sa karamdaman nila, sila pa ang galit tas magsasabi ng "Dun't Kurekt Me I now what I seying". Shet naman oh, kung di kaya wag i-push. Nakakahiya na eh. Di sila tumatawa kasama mo, pinagtatawanan ka nila. 



5) Jejemon - This just explains itself so, move on tayo guys. Easy lang sa CAPS LOCK, di yan mawawala pati narin sa mga numbers. okay?



6) Selfielord na Dugyot - Wala nang power ang mga filter sa kanila. Kahit anong bili pa ng filter, di talaga sila lilinis. Just saying, easy lang sa pagseselfie baka tuluyang magdeactivate ang mga friends mong inosente pa. Sabihin niyo lang pag sinipag na kaung gumamit ng shampoo at sabon at magpapa-deliver ako.


7) #BawalBastos - kung magpost ng picture ay asahan mong may cleavage o tipid sa tela, tas pag may nagcomment ng bastos ay magagalit sila. Paano ang pagkaka-wiring ng utak mo teh? Honestly, ewan ko kung saan nagkamali ang mga magulang mo sayo. Mababait na tao naman sila, anyare sayo?



8) Batang Gangstoy - sila ang dahilan kung bakit natatakot ang mga magulang na makipag kaibigan ang mga anak nila sa nakajersey shorts. Sayang Tuition nila, kung di sila magtitino ay magiging "Breezy" sila paglaki and trust me, nakakatakot yun.



9) Fangirls/Fanboys - mga di na kumakain para lamang makabili ng damit, mugs, ballpens, socks, sapatos na nailaw na may picture, liquids na lumalabas sa katawan ng favorite na singer/ band nila. Walang naman masama doon, the thing lang guys pwede naman gawin whatever it is you do, wag lang magoverboard.. kumain minsan, maligo, magtoothbrush at syempre magpalit din underwear minsan. (By: Leinah Ramos)



10) Bawal sa Makati - laganap sila ngayon, mga taong sige lang makipag-kaibigan pero once na nakuha na ang kinakailangan nila sayo at papaulanan ka ng chismis na alam mo naman sa sarili mo na walang katotohanan ang mga ito. Wag kayong maging ganito, at baka isama ko kayo sa Di-nabubulok naming basura. (By: Rodelyn Saloc)


11) Ansarap ng Feeling mo - maaawa ka na matatawa kasi di mo alam kung malabo ba mata nila o talagang mataas ang confidence nila. Idolohin niyo ang confidence nila, wag na wag lang ang kapal ng pagmumukha nila.

12) Badutz - mga baduy manamit, jumper, jersey shorts jejecap, knee-socks at sando lang ang mga puhunan. Nung nagpa-ulan ng style, sumisinghot sila ng weeds sa loob ng imburnal o inidoro. Masakit sa mata makakita ng ganito sa mall, lalo na sa mga magagandang mall na may air condition. Wag maging ganito kung ayaw mapagtawanan o ikagalit ng taong-bayan. (Rodelyn Saloc) *di na karapat dapat lagyan ng pic to kasi baka magsuka kayong loving readers ko*



13) Like is Life - mga taong nabubuhay sa pagpunta sa messages mo at hihirit ng "Ate/kuya, palike naman po". Okay lang naman sana kung grades niyo ang nakasalalay, pero once na walang kinalaman yan sa school o competition sa lugar niyo may maagang FU ka sakin. Dun ka sa mga arabo mong libog na libog sayo at baka masampal kita.
*Primary Draft palang, bigyan niyo nalang po ako ng idadagdag tas credit ko kau :)*




Monday, January 12, 2015

College Courses and what I think of them

College Courses and what I think about them

Fine Arts - Ang nararapat na course para sa mga Artistically-Gifted kids. Nothing says talent more than ARTS. Kahit siguro pag dudumi nila ay matatawag na din na ART sa kanila. But no disrespect intended, sila talaga ang kaiinggitan mo pagdating sa pag Doodle Art, Caricature etc. Magpaturo ka na habang di pa sila baon sa projects and other artistic shit.

Engineering - For those "Mathematically/Measurematically Gifted peeps". Yung magagaling sa math of measurements at kahit sabihin mong tatansyahin nalang ang height, width or thickness ng isang floor ng building na gagawin nila, hindi talaga sila papayag doon... Babatukan ka pa siguro.xD HAHAHAHA

Nursing - Ang mga anak ng mayayamang mahilig tumulong sa KAPWA. Either talagang goal nilang i-pursue itong course na to since fetus days or talagang walang magawa lang parents nila sa perang nakakalat sa sahig nila at sa golden bathtub nila na ang alagang chihuahua lang nila ang gumagamit.

Education - Teacher ang trip netong mga taong ito. Total respect ako sa kanila kasi pinagdaanan nila ang mga school lessons since nursery until highschool then may PERSEVERANCE parin silang pag-aralan ang mga ito at ituro naman sa another set ng youth for a greater future ahead. Good Job and Good Luck to all Education peeps.

Culinary Arts/ HRM - Sila ang gifted sa pag-luluto ng mga masasarap na putahe or talagang tinulak ng parent na i-pursue to para mapagluto nalang ang sarili at di na magnakaw sa ref nila tuwing hatinggabi. But hindi lang pagluluto ang kaya nila pati pag... *ahem* MANAGE ng Hotel ay kaya nila. Well waddaya know..xD May pagkain na sila kaya pa nila mag-ayos ng sarili nilang kwarto.xD I'll take one HRM student for my room please.

Mass Comm. - Dito napupunta ang mga estudyanteng laging feel na nasa palengke sila... yung mge feeling nila na dapat sila lang ang pinapakinggan, most talkative, ang mga taong karapat dapat na may tape sa bibig. Pero without this course wala tayong mga Newscaster, Journalist atbp.

Accounting - The people who need the most salutes. Sila ang nagtitiis ng ilang years ng computing ang *shrivels* MATH para lang mapasaya ang parents nilang uber ASIAN sa galing sa pagbilang ng utang ng mga mang-iinum sa kanto with every single cent. Salutes for every Accounting student that can read this.

And finally....

Computer Science/ IT or any course that has something to do with COMPUTERS  - Ditong course ako natulak ng parents ko. Kasi magiging In-Demand na daw ito in a couple of years because of K-12. Eto ang pinaka-hardcore sa lahat ng courses dahil di lang siya nag-iistop sa simpleng programming lang it has side-dishes like Digital Arts, Game Dev. Web Designing, Graphic Designing, Animators etc. plus Java, C++, C#, FORTRAN at kung ano-ano pang language na na-iintindihan lang ng machine.

*Mayhaps may nakalimutan akong i-add na course or wrong grammar of some sort na tipong super focused people lang nakakakita pakisabi nalang, Draft palang naman to eh :)*