Wednesday, December 24, 2014

Mga Type Ng Tao Na Ayaw Ko

Hindi naman ako yung type na talagang mapanlait at masakit magsalita, tipong talagang may mga type ng tao talagang sawang sawa na ako makita sa buhay ko. Mga example ang mga sumusunod:

Jejemons

     Sila ay mga taong grabing maka-fashion kaso di naman bumabagay sa kanila. Ang pagje-jejecap na rainbow ay walang magawa para sa pag-aayos ng typing niyo na galit sa "Caps Lock" at ang simpleng salita ay nahahaluan ng mga numero. An example sentence would be "3nKZ t0 4LL mY ZhUpoT3Rzz 4Nd t0 aLL mY HaYt3rZzzz, LhIvR3 kHo3 kAyOuzz nG sTh4Rbhukzzz pHaG n4Kh4IphoUwN nH4 aHkoUwzxcc". Diba nakakapagpadugo ng ulo? And I must admit, parang bumaba ng malaki ang I.Q. ko dahil diyan.

Famewhores
  
   Sa panahong ito, parami ng parami sila. Mga puhunan nila ang mga Arabo nilang likers at ang mga "Autolike Engines" nila, clevages, Camera360, Retrica at syempre ang bestfriend ng mga estudyante, ang "Copy-Paste". Walang nakaka-alam kung anong nakukuha nila sa pagiging "Attention Seekers", pero pinapanindigan nila eto. Mag-ingat sa mga gaya nila, baka madamay kayo sa katarantaduhan nila.

Thirdy-ans

In other words, mga nauto, naniniwala at sumusunod sa baklang si Marcelo Santos. Mga naniniwalang may FOREVER o na darating pa ang lalaki/babaeng mapapangasawa nila. Wag na po sana kayo umasang darating sila. Di po sila naghahanap ng gaya niyong hapit umibig, mag-aral para sa inyong kinabukasan at wag magpaka-Bagito/Bagita at walang matinong mapupuntahan yan.

Track 30th (BGC/ Taguig-Makati)  

Pinaka-ayaw  ko sa mga kabataan ngayon, ibang klase sila manamit talo pa ang mga "Jejemon". Yung tipong wala talaga sa katinuan ang mga utak nila. I had this one encounter, he had this parang swag pants na suot,  jacket na maong na sira ang sleeves tas floral cap then pagtingin ko sa sapatos niya PLAIN BLACK SCHOOL SHOES. Siyete naman oh, anung nangyari sa utak mong bata ka? nasobrahan siguro sa pagpe-penny board mo yan. Napagod nang mag function ang utak mo! Maawa ka sa magulang mo, nasa paligid mo, ninuno mo at kay Eba at Adan. Dahil wala nang magrerespeto sayo dahil diyan.

Defensors (Pinaglalaban ang di dapat pinaglalaban)

May blockmate akong ganito eh, yung tipong ibang tao ang pinagtitripan namin biglang sumisingit "Kung makalait kayo parang pogi/maganda kayo!".. -_- Sarap hampasin ng Baseball Bat, hindi nga dinidibdib nung isa ikaw naman nasaktan, anuto? ikaw ung damdamin niya? HAHAHA Bwisit ang mga ganyan. Or this other time na "Hinipo" daw siya ng taga operate ng zipline nung nagtraining kami for NSTP. Tingin mo, pano ka kaya makaka-abot ng kabila kung hindi ka itutulak?! Uutot ka nalang, ganun?? HAHAHAHAHAHAHAHA. Nakakabwisit!!

and lastly...

All of the Butt-hurt Filipinos 

Guys, wag naman po tayong masyadong butt-hurt. Sabihin lang ng mga foreigners na "Filipinoes are the worst" eh parang mamatay pag nasabihan ng ganun. Please, words lang yan, di yan nagdadala ng baril o balisong at di kayo mapapatay niyan. Sasabihin naman ng iba diyan, "Sinisira nila ang dignidad nating mga pinoy".... Dude! -_- Hayaan mo sila. Lalo ka lang nagpapadala sa kanila, show them na you don't care at pababayaan ka lang nila.